Ano nga ba ang Abizo OFW App?
Ang Abizo OFW App ay parte ng OFW Global Monitoring Pilot Project ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration), sa ilalim ng pamumuno ng Department of Labor and Employment.
Layunin ng APP na ito na malaman ang kalagayan ng manggagawang Pilipino saan man sa mundo.
Sa pamamagitan ng pagkuha ng tamang impormasyon, inaasahan namin na makakapagbigay ng angkop at agarang tugon ang mga ahensya ng ating pamahalaan.
Sa ngayon ay may mahigit 13,000 registered users na ang Pilot Project na ito sa halos 45 bansa.

Features That Matter
Connecting Filipinos Worldwide
Emergency Button
One tap on the red button will immediately send a request for assistanceGet Help with One Tap
Kung ikaw ay may medical or non-medical emergency, ang red button na ito ang siyang kokontak sa aming 24/7 Call Center Service upang agad kang mabigyan ng gabay at aksyon.Arrival and Departure
Pauwi o paalis ng bansa? Nais naming malaman kung ikaw ay ligtas sa iyong paglalakbay.Real Time Reporting
Sa pamamagitan ng iyong pag-uulat ay mabibigyan mo ng panatag na kalooban ang mga mahal mo sa buhay – pati na rin ng tamang datos ang mga ahensiya ng ating pamahalaan kung sakaling kailanganin mo ng tulong.
OFW Profile
Updating of your contact information in the Philippines and in the host countryStay up to date
I-update ang iyong status at profile sa pamamagitan ng Abizo OFW App.