“Malaki ang potensiyal at tulong na mabibigay nito sa mga OFWs!”

Ed Lopez

“Through this application, we are able to communicate, (for example) sa Labor Attaché natin kung saan may jurisdiction yung OFW na nagco-complain at natutugunan din po kaagad.”

Villamor S. Plan, POEA, Deputy Administrator

ALMEDO ‘ED’ LOPEZ

Isa sa mga natulungan ng Abizo OFW APP ay si Almedo ‘Ed’ Lopez, isang OFW na nagtrabaho bilang Supervisor sa isang manufacturing company sa Fiji Island.

Ayon sa kanya, hindi niya inasahan na makararanas siya ng matinding hirap sa trabahong iyon dahil marami na siyang karanasan sa iba pang multinational companies.

Nagsimula ang kanyang kontrata noon Marso 2021 subalit agad niyang nalaman kung bakit naubos na ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa kumpanyang ito. Bukod sa mga verbal abuse na kanyang natanggap mula sa kanyang employer ay nakaranas din siya ng matinding professional harassment gaya ng pagbibigay sa kanya ng mabigat na trabaho na labas na sa scope ng kanyang pinirmahang kontrata. Kasama na din dito ang forced 20% pay cut at halos 12 oras na workdays.

Noong una’y tinanggap niya ang mga harassment subalit makalipas ang tatlong buwan ay hindi na rin niya kinaya. Walang embassy o konsular ang Pilipinas sa Fiji Island kaya’t dito siya nagpasya na gamitin ang ABIZO OFW APP. Aminado siyang di niya akalaing magagamit niya ang APP na ito. Matapos niyang magreport sa APP ay nakatanggap agad siya ng sagot noong mismong araw ding iyon. Natanggap niya ang kanyang Notice to Repatriate mahigit kumulang sa isang linggo matapos ang kanyang report.

Dahil sa mabilis na proseso ng kanyang Notice to Repatriate at ng monitoring ng Abizo OFW App ay agad na nainform ang kanyang insurance sa pakikipagugnayan ng Fortune Life and Fortune General sa pamamag-itan ng AAB Management Service and Insurance Intermediaries, Inc., para sa kanyang repatriation claim. Sa kabila ng hirap ng pagbook ng flights sa gitna ng pandemiya ay nakakuha din siya ng ticket na nagkakahalaga ng $3,000 na siyang binayaran ng buo ng kanyang insurance.

Si Mr. Almedo ‘Ed’ Lopez ay maayos na nakabalik dito sa Pilipinas kung saan siya ay masayang sinalubong ng kanyang pamilya.

“Nais kong matulungan ang POEA na ipangalap ang impormasyon tungkol sa Abizo OFW App. Gusto kong personal na makausap ang mga OFWs para sumali din sila sa Pilot Project na ito. Malaki ang potensiyal at tulong na mabibigay nito sa mga OFWs!” ang mensahe ni Sir Ed para sa lahat.

Download the Abizo OFW App  Today!

Download on the App Store
Get it on Google Play